Wala akong kamalay-malay na lumabas na pala kanina yung result ng December Boards. Kundi ko pa nakita sa posts ng mga kaibigan ko, di ko pa malalaman. Actually, nakikipag-chikahan pa ko kanina kay Andy (@andyfelicia) then bigla kong nabasa sa Twitter yung post ni Shine (@KristelleCamero) na lumabas na nga yung result. Nanlamig na ko bigla. Tapos nanginginig na tuhod ko. Sabi ko nga kay Andy, sya tumingin kase baka di ko kayanin, baka ikamatay ko. Then biglang si Yaya (@kewlpaul) biglang sumingit sa usapan namin ni Shine. Sabe nya, “You guys passed, believe me.” Syempre, ako naman di naniwala. Mamaya, stir lang si Yaya eh. Hanggang sa si Chu, minention at nagpost sa Timeline ko ng “Congrats Pre.” Sabe ko nga, “Wag ganun Pre, baka mabati.” Habang si Andy, patuloy sa paghahanap sa Google ng result. Hanggang sa sinend nya yung link, then sinabi ko kay Andy na yun yung i-click. Tapos sabe ko kay Andy, pag negative, wag na magsalita at tumingin na lang sa’kin. Then bigla na lang syang sumigaw ng bonggang-bongga at yumakap sa’kin ng sobrang higpit… Ayun. Kung totoo nga yung sinasabe nilang mararamdaman mo naman after mong mag-exam kung papasa ka or hindi, ewan ko. HAHA :)) Basta ako, naramdaman ko nung December 19 na, LAST BOARD EXAM ko na ‘to sa Nursing. Yung next Board Exam ko, pang-Med na. Nagdilang-Anghel nga ako. Or should I say, panahon ko na ngayon! Hihi :> Pero ang pinaka nagdala talaga dun is Yung Moment na nadulas ako sa Tae nung papunta akong Simbahan para mag-Simbang Gabi nung December 18 eh. Kundi dahil dun, di ako seswertihin ng bongga eh. Tsaka, yung bracelet pala ni St. Therese na nawala ko after nung Boards. Feeling ko, sadyang nawala yun eh. Kumbaga, offering yun. Pa’no naman kase ang liit lang nung bahay tapos nawala pa yun. Ah basta! Thank You Lord talaga! Kumbaga sa Love, this is Sweeter the Second Time around. :)
1 of 1