Alam ko yung feeling ng hindi pumasa sa Board Exam. Alam ko kung ga’no kasakit. Alam ko kung ano yung napagdaraanan nila. Bumagsak din ako. Kahit masaya akong nakapasa ako ngayon, I really feel sorry for those who failed. Kaya nga hangga’t maaari, magpapaka-humble talaga ako. Ayoko namang makadagdag pa sa nararamdaman nila, hindi biro yun. Lahat naman kase kame naghirap eh. Yung iba nga lang, hindi pa nila panahon. Pero alam ko dadating din yung panahon nila. Nauna lang ako. Ika nga nila, ‘Una-una lang yan.’ Wag kayong mag-alala, if Plan A didn’t work, there’s still Plan B, C, D, E… hanggang Z pa yan noh! Wag kayong mawawalan ng pag-asa. TANDAAN: Hindi importante kung ilang beses kang bumagsak, ang importante ay kung pa’no ka tatayo sa panahong bagsak na bagsak at lugmok na lugmok ka na. :)

~aryhannaMAIE™ ;)