Tunay ngang habang tumatanda tayo, lalung dumadami at bumibigat yung mga responsibilidad natin sa buhay.
Naiinis lang kase ako sa mga taong matatanda na pero parang walang pinagkatandaan. Yung tipong hindi pa rin nila alam yung mga responsibilidad nila. Yung tipong napaka-iresponsableng tao! Nakakaynis lang. Nakakayamot! Baket ko ba sinasabe ‘to? Eh pa’no kase. Andameng nakapaligid sa’king gan’to. Yung tipong nag-anak anak tapos wala namang paki sa anak nila. Yung tipong, pinaubaya na lang sa kapit-bahay yung anak nila. Yung tipong nagagawa pa ding uminom at umarteng parang walang anak na aalagaan. Kaynis lang! Kung ako lang, ayoko sanang alagaan yung bata eh. Kase, kaya rin namimihasa yung magulang dahil nga alam nilang may mag-aalaga at magbabantay sa bata. Kaya lang, kawawa din kase yung bata eh. Pero dapat di pa din sanayin yung magulang. Sabe nga nila, “Give man a fish and he’ll live for a day. Teach man how to fish and he’ll live forever.” Sana alam ‘to ng bawat isa. Sana alam nila kung pa’no at kailan dapat maging responsable. Matatanda na sila, hindi na kailangang paalalahanan pa. Kaya lang kase, hindi naman lahat ng tao parehas nung iniisip ko eh. And that’s just sad. :( Oh well. I hope they come to realize it sooner or later. Ciao!
~aryhannaMAIE™ ;)